umpisa pa lang ng application process ko sa airline company na 'to eh may bahid na ng malas.
day of interview, october 19, 2pm ang schedule ko. at dahil kabisado ko naman ang sikip o luwag ng daan depende sa oras, umalis ako ng bahay ng 11:30. kung tama ang kalkulasyon ko, nasa Makati dapat ako ng 1:00-1:15, maaga sa scheduled interview. kaya lang, hindi ko namalayan ang petsa...
pagliko ng fx sa may ortigas ave., nagulantang ako sa haba ng pila ng sasakyan. ito yung tipo ng congestion na na-experience ko noon sa katipunan pagtuntong ng 6:30 am. noon kasing wala pang u-turn slots, pag inabot ka ng 6:30 sa terminal ng katipunan, paniguradong late ka na sa 1st subject mo dahil priority ng mga traffic enforcer ang pagpapadaan sa mga patungong Ateneo. anyway, dahil nga isang mahabang kalye ang ortigas ave., wala akong nagawa kundi maghintay. sabi ko, maaga pa naman. i can spare about 30 minutes.
natapos ang 30 minutes, nasa ortigas ave. pa rin kami. hindi na ko natutuwa.
pagdating malapit sa may Megamall, tsaka ko lang naalala. 3-day sale ng Megamall, at may on-going construction pa. kaya pala congested. perfect timing!
1:15, nakatuntong din ako ng mrt. sabi ko, kaya pa. mga 10-15 minutes lang, nasa buendia na ko.
kaya lang... pati sa buendia, congested. alangan namang lakarin ko! hintay ulit.
pagbaba ko ng jeep, tawid ako. eksakto namang nagsimulang bumuhos ang ulan. labas ako ng payong. sige lang ang lakad kahit medyo malayo ang building at nababasa ang slacks (at stockings) ko.
pagpasok ko, nag-fill-out ng form kay manong guard. buti na lang may nakasabay pa kong mag-eexam. buti na lang talaga!
pag-upo namin, di pa man nakaka-isang minuto yung likod ko sa pagkakasandal eh tinawag na kami for the exam. kami na lang pala hinihintay, nauna na yung iba. kung nahuli pa ko ng isang minuto eh baka hindi na ko pinakuha ng exam dahil sa aking tardiness.
kung sino lang yung papasa sa exam, siya lang mai-interview. kampante lang ako. exam lang naman. karamihan pa sa mga tanong, tungkol sa math. ipinagdasal ko sana konti lang kaming pumasa.
lumabas yung results, pasado kami lahat. akyat kami for the interview. 5 kami, 2 lang kaming fresh grad, lahat may experience na. naisip ko, lugi nanaman ako.
nalaman ko na lang, may next batch pa pala ng applicants, di lang kami. dagdag kumpetisyon pa!
sumunod na biyernes, tinawagan ako. tanggap daw ako. pumunta daw ako ng office for the requirements for employment.
nagsimula akong mag-ayos ng papers. pumunta ako ng baranggay hall, walang tao, nagla-lunch daw. babalik daw ng ala-una. tumingin ako sa relo ko, 1:15 na. bumalik kami ng 1:45, may mga officials na. kaso, habang inaayos yung papers ko, nakikipag-chikahan si madam.
paglabas ko ng baranggay hall, nagbibilyar naman si kuya. hinintay kong matapos. naatraso nanaman ako.
nagpunta kami sunod sa municipal hall. ayos na sana kasi mabilis yung pagkuha ng requirements, ang problema, si kuya police clearance. pagpasok ko, may 3 nang naghihintay. okay lang sana kasi medyo mabilis naman yung pag-asikaso niya. kaso, bago sakin, si ate caregiver muna (pasensiya na, wala akong maisip na pangalan). at ewan ko ba dito ke kuya police clearance, aba'y nilalandi si ate caregiver! nagpapa-cute! hindi ko na lang pinansin kasi akala ko sandali lang. aba, sabi ba naman:
"ah, tapos na pala yung requirements mo for travel abroad. akala ko kasi hindi pa. tuturuan sana kita."
talaga naman si kuya! at nung natalsikan siya ng alipato (?) ng welding na hindi namin alam kung paano nakapasok, aba'y nag-inarte! nag-iikot, sinilip yung pader, sinilip yung aircon. kulang na lang eh silipin niya rin yung mga nagwe-welding sa labas. gusto ko sanang sigawan ng "kuya, baka naman pwede mong bilisan. hindi lahat may disposable time tulad mo."
diretso kami ng munisipyo sa kabilang-kabilang bayan. at dahil sa naatrasong oras sa pagsipot ng mga baranggay officials, sa pagbibilyar ni kuya, sa pagpapacute ni kuya police clearance, at sa pagtingin ni kuya sa flowershop, ay na-late kami ng 10 minutes sa pagdating sa munisipyo. napagsaraduhan ako! and to think na 3:30 pa lang ng hapon. hindi ba 8 to 5 ang pasok! bat 3:30 pa lang eh sarado na?! kailangan ko pa tuloy bumalik sa lunes dahil half-day lang daw sila bukas.
at dahil mahal ako ng kuya ko, binigyan niya ako ng remembrance ng araw na ito. meron akong tila thumb print sa may lower right leg. napaso sa tambutso ng motor. ang dahilan ng pagkapaso? tumigil kami sa flowershop para bilhan niya ng bulaklak ang girlfriend niya. sabi niya, tumayo ako sa tabi ng motor. pag-atras ko, eksakto naman sa tambutso. ayun, may bago akong birthmark. hindi na ko pwedeng mag-skirt...
pero okay lang, at least natanggap ako at may work na. finally...
*******
nagalit din sa'kin yung friend ko. *sigh*